300 Minutos sa Barrio Luz
ni: Ether Liffe V. Codina
Noong ika 18 ng Disyembre 2015 ninais naming pumunta sa barangay Barrio Luz upang maisaliksik at malaman ang kahalagahan at kagandahan ng lugar na ito dito sa syodad ng Cebu. Sa ilalim ng 300 minutos (5 oras) nabigyan diin ko na ang kagandahan ng barangay na ito. Kung mayroon pa akong oras sa araw na iyon sana ay mas naging masaya at maganda ang experience ko dito.
Ang barangay Barrio Luz ay isa sa napaka mayaman na barangay dito sa Cebu dahil nandito ang kaisaisahang Cebu Business Park kung saan makikita ang mga matataas na gusali at maraming hotel na kung saan humihiga at tumatambay ang mga turista. Ang barangay na ito ay pinapamunuan ni alkalde. sabi niya na nangaling ang barangay na ito sa .
- 180 minutos ( 3 oras)- Ayala Center ( 10:07 am-1:07 pm)


2. 32 minutos- Grand Convention Center ( 1: 13 pm- 1:45 pm)


Ang Grand Convention Center ay isang napaka engrandeng lugar sa swak para sa mga Reception sa mga kasal, Anniversary,Kaarawan, Debut o kahit anong mga importanteng okasyon dahil sa mga kalakihang kwarto at mga dingding na salamin at glass. Ang arkitektura nito ay nakamangha at ang parking lot nito kung saan makikita mo kung gaano ga lakas dahil sa mga malalaking bakal. Maari din itong puntahan upang magsalosalo ang mga magkaibigan at magkapamilya sa mga pagkainan dito mapa buffet man o hindi. Sa mga panahong nandito ako ay hindi maguguhit ang mga nadarama ko sa loob dahil sa ganda ng labas at loob ng lugar. Napakalinis at laki ng lugar na babalikbalikan ang experiasyon. Kung gusto mo ng lugar kung saan makabonding kayo ng pamilya mo ng walan disturbo at sa loob ng magandang gusali ay ang Grand Convention Center ang lugar para sainyo.
3. 50 minutos - Waterfront Hotel and Casino Cebu( 1:50 pm- 3:00 pm)

4. 11 minutos - Cebu Business Park ( 3:03- 3:14)
Ang Cebu Business ang lugar kung saan makikita at nakatayo ang karamihang mga gusali dito sa Cebu City. Sa pangalan palamang nito ay masasabi talagang napaka asenso at yaman nito. Ito ay nagbibigay daan sa mga taong walang matitirahan kasi maraming mga condominium ang tinayo dito at sa mga taon walan trabaho dahil sa daming mga gusaling pang call center na itinayo dito. Para saakin dito nanggaling ang mga turista at tax ng barangay Barrio Luz salaki nito na halos ito lang ang nasa barangay na ito maliban sa Waterfront at Grand Con.Napakalaki ng lugar na ito na hindi mo malilibot at mapapasukan lahat ng lugar sa iisang araw lamang.
5. 9 minutos - Marriot Hotel ( 3:20- 3:29)


Ang Marriot Hotel ay makikita sa isang lokasyon na malapit sa Ayala na isang napaka magnificadong lokasyon dahil sa madali kang makakuha ng publicong mga sasakyan at transportasyon. Sa loob naman dito ay kumpleto ang lahat na kakilananin mo. Pwede kang bumili ng mga pambango,makakain,pangloob na damit, at iba pa. parang nasa department store ka sabay pension house ang pakiramdam mo. Sikat din ito sa mga dayuhan kasi kung may kulang sila o gusto nilang pabago ang kanilang kakainin o mga damit na mas masaya ang bulsa ay madali silang makakapunta sa Ayala at pwedeng bumili doon. Kung kailangan ninyo ng Hotel na napaka dali sa bulsa, okay sa pera, at maganda at madali makikita ang pwesto , ito ang hotel na hanap hanap mo.
6. 9 minutos - Parklane Hotel (4:06-4:15)


Ang Parklane Hotel ay isang 4 star hotel. Kasama ang pamilya ko, tuwing bagong taon paminsan minsan ay dito kami kumakain at tumutulog. Dito mayroong mga eat all you can pagkainan na napakasarap at babalik balikan mo. Mayroon ding mga miniature ng buong Cebu City sa loob na Tinakpan ng Glass sa dingding upang hindi madaling mawasak. mayroon ding mga lobo na inilagay ni sa taas upang makita sa labas habang dumadaan kayo, kitang kita ito dahil sa Dingding na gawa sa malinis at walang alikabok na glass. Depende sa okasyon mayroon silang mga dekorasyo na inilalagay sa loob na makukunan mo ng larawan kapag nasa loob ka. Para sa akin mayroong pantastikong arkitektura and hotel na ito. Ang mga simento at mga kulay na ginamit ay napakagandang tignan lalo na kapag gabi.Magalaing ding umasikaso ang mga tauhan na nagtatrabahop sa loob. Kapag matutulog ka dito ay napakakumportable ka na parang lumulutang ka sa ulap habang natutulog.
7. 9 minutos - Quest Hotel (4:27- 4:36)


Ang Quest Hotel and Conferences ay ang kauna-unahang Quest Hotel dito sa Cebu na nagkakaroon ng 400 kwarto para sa gustong magkaroon ng mga hindi kapaniwalang mga araw. Ito ay isang 3 star hotel ngunit nagkakaroon ng napaka excelento at nagiisang uri ng disenyo na nagdudulot ng pakipakinabang na pakiramdam. Sa mga panahong nasa loob ka dito ay napaka bango ng paligid at nakakapawala talaga ng pagod sa katawan at utak. Dito may makikita kayong pang enbayronmental na pananaliksik sa mga disenyo at arkitektura nito at sa mga kahoy at mga halaman na nakapaligid. May mga salik talaga na napaka ganda at dito lamang makikita. Ang lugar kung saan hindi masyadong mahal ngunit ang mga panahon na nasa loob ka ay para na ring nasa loob ng mga 5 star hotel. Lugar na bagay para sa anumang panahon.
May iba pang mga lugar at pang turistang tanawin dito sa barangay Barrio Luz na hindi ko pa napuntahan ngunit ang mga ito ang mga nasa itaas ng listahan para sa nakakarami. Ang barangay Barrio Luz ay isang napaka importanteng barangay na nagbibigay ng sobra sobrang tulong dito sa Cebu. Sa dami ng mga gusali at buildings dito na nagdudulot ng daan daang turista kaya tumataas ang migrasyon rate dito sa Pilipinas. Sana ay magkaroon kayo ng oras at puntahan at maramdaman nyo ang mga nadarama ko at kahit mas maganda pa. Barangay Barrio Luz ang kamangha mangahang lugar na babalik-balikan mo!